logo

Jeecode TV Blogs

Buy Me A Coffee

Jeecode TV Blogs

Blogs for programming, life hacks and facts, tech guide, and home tutorials.

"Unlock your tech potential with our blog! Discover everything from programming basics to cutting-edge life hacks. Never stop learning."

Jayson Canete

How to Install an External Antenna for PLDT R051 Home Wifi?

March 7, 2023

Jayson Canete

Jayson Canete

Gumagamit ka ba ng ganitong klaseng home wifi sa bahay or sa office? Kumusta ang signal strength na nasasagap ng modem mo, okay ba? Baka isa karin sa katulad ko na naghahangad ng malakas at malinaw na signal para sa modem na kagaya nito

Modem


How to Install an External Antenna for PLDT R051 Home Wifi?

Blog Post Image

Gumagamit ka ba ng ganitong klaseng home wifi sa bahay or sa office? Kumusta ang signal strength na nasasagap ng modem mo, okay ba? Baka isa karin sa katulad ko na naghahangad ng malakas at malinaw na signal para sa modem na kagaya nito.

Ang isa sa solusyon natin dito ay ang paglalagay ng external antenna sa likod ng modem. Kung paano, basahin ang kabuuan ng blog na to.

Speedtest Result Before and After Installation of External Antenna

Bago tayo magsimula sa procedure natin sa paglalagay ng external antenna, ipakita ko muna sa inyo yung result ng speedtest ko.

Blog Post Image

Ito ang result ng speedtest ko before and after lagyan ng external antenna ang modem ko na R051 PLDT Homewifi. Makikita mo sa picture na malaki ang kaibahan ng download at upload speed na may external antenna versus internal antenna.

Step 1: Remove the Outer Cover of the Modem

Tanggalin ang outer cover ng modem gamit ang flat o negative screwdriver. Alternatively, pwede din yung kutsilyo pero mag iingat lang na hindi masugatan sa pag gamit. Dahan-dahan na tuklapin yung gilid para mabuksan yung harapan ng takip ng modem.

Blog Post Image

Step 2: Remove the Internal Antenna from Board

Ito yung dalawang internal antenna ng modem na kailangan tanggalin. Sa likod nito ay makikita ang internal pin kung saan nakadikit dito ang antenna na naka screw sa board.

Blog Post Image
Blog Post Image
Blog Post Image

Step 3: Use MultiTester to determine the Common (-) and the Positive (+) of the Terminal pins

In my case, gumamit ako ng digital multitester, peru mas maganda kung meron kayong analog multitester. Kung hindi ka marunong gumamit ng ganitong apparatus o di kaya wala kang gamit na ganito sa bahay, pwede mo naman sundan ang blog na to o di kaya panoorin ang video tutorial natin sa youtube na nasa nasa dulo nito.

Blog Post Image

Tingnan mo ang picture sa baba para sa reference ng terminal pins ng antenna.

Blog Post Image

Step 4: Cut the End wire of your SMA Cable

Ihanda mo yung SMA cable mo. Sa kabilang dulo niyan ay kailangan mong putulin para ma i-cut ang dalawang linya ng wire sa loob ng balat. Tingnan sa picture sa baba kung paano ko ginawa.

Blog Post Image

Kung hindi mo alam saan pwedeng makabili ng SMA cable, bisitahin ang link na to sa Shopee at Lazada.

Blog Post Image

Step 5: Solder the SMA Cable to the Antenna Terminal Pins

Gamit ang soldering iron at soldering lead, idikit ang cable wire ng antenna connector.Sa procedure na to, kailangan ang maingat na paggawa upang maiwasan ang pagka paso o anumang disgrasya. Iwasan din na magdikit ang dalawang linya ng SMA Cable.

Blog Post Image

Ganito dapat ang magiging resulta ng pagkahinang sa wire.

Blog Post Image
Blog Post Image



Step 6: Make a Hole at the back of the Cover for SMA Connector

Dito ay gumamit ako ng drill bit na may sukat na 10mm diameter. Pwede kang gumamit ng ibang pambutas gaya ng kutsilyo o iba pag bagay na matulis bilang alternative sa drill bit.

Blog Post Image


Tantsa-hin ng mabuti ang paggawa ng butas upang sumakto sa diameter ng SMA connector.

Blog Post Image


Tulad ng ginawa natin sa video tutorial, saktong-sakto lang ang 10mm diameter drill-bit sa diameter ng SMA connector.

Blog Post Image


Step 7: Connect the MIMO Antenna Cable to the MODEM

Maraming klase ng antenna ang pwedeng gamitin sa modem mo. Sa kaso natin, 18dbi MIMO Antenna ang gamit natin para sa tutorial na to.

Blog Post Image
Blog Post Image

Bisitahin ang link na to sa Shopee at Lazadapara maka order ng ganitong antenna.

Blog Post Image

After ko ma i-konek ang external antenna sa SMA connector, mas lalong lumakas ang signal strength ng modem. Tumaas din ang download at upload speed ng internet bandwidth. Ibig sabihin lang nito ay naging matagumpay ang paglalagay natin ng SMA connector para sa external antenna.

Blog Post Image

Panoorin ang video ng tutorial sa baba upang mas lalong maunawaan ang blog na to.

How to modify R051 PLDTHome Wifi with External Antenna Connector?








Leave a comment below!

Your email will not be published.



Comments