
How To Install an Antivirus Software with UNLIMITED 30 Days Trial. Works 100%.
February 24, 2023
Jayson Canete
Nais mo bang magkaroon ng legit na antivirus peru libre? Meron ba ganun? Kung meron man, hindi ba ito crack software? Ligtas ba ang computer pag i-install ito? Pwes, lahat ng mga tanong na iyan ay ating i di-discuss dito sa blog na to.
Computer Hacks
How To Install an Antivirus Software with UNLIMITED 30 Days Trial. Works 100%.

Nais mo bang magkaroon ng legit na antivirus peru libre? Meron ba ganun? Kung meron man, hindi ba ito crack software? Ligtas ba ang computer pag i-install ito?
Pwes, lahat ng mga tanong na iyan ay ating i-didiscuss dito sa blog na to.
Noong taong 2021, nadiskubre ko ang isang paraan kung paano mag install ng isang antivirus na may 30 Days Trial… peru unli renew! Oo unlimited renew ng 30 days trial sa antivirus Kaspersky EndPoint Security. Subok na subok ang 30 days trial ng antivirus na to, dahil kahit yung pinaka powerful na malware sa windows computer ay kaya niyang burahin o alisin sa computer mo na hindi nasisira ang buong operating system.
Paano ko ba ginawa ang unli renew na 30 days trial? Basahin ang buong blog na to para malaman mo.
Expired Trial License
Nag install ako ng fresh Kaspersky Endpoint Security (KES) Antivirus. Makalipas ang isang buwan ay nag warning sa computer ko na “Trial license has expired”.

Kaya, sa puntong ito kailangan ko na siyang i-uninstall kasi masyadong mahal ang renewal license nito na good for 1-2 years license. Peru kung ikaw na nagbabasa nito ay may budget naman, i suggest na bumili ka nalang ng license. Promise hindi mo pagsisihan ito dahil napaka powerful ang antivirus na to. Bilang isang programmer, ako na nagsasabi na best antivirus ito.
Peru kung ikaw ito na sakto lang ang kinikita sa araw-araw at gustong makatipid, para sayo talaga ang blog na to. Kaya isusunod na natin sa topic na to kung paano idownload ang antivirus.
Download KES Antivirus
Noong una, madali lang ma download sa website ng kaspersky ang antivirus na to, subalit mula noong last quarter ng taong 2022 ay tinanggal na nila ang link sa pag download ng offline installer. Ngunit habang nababasa mo ito ngayon, muling ibinalik ng kaspersky ang link ngayon taong 2023 para sa pag download ng kanilang offline installer.

Bisitahin ang link na to para ma download mo ang new version installer ng Kaspersky Endpoint Security.
Click here to DOWNLOAD KES Antivirus Installer

Kung windows OS ang computer mo, I-scroll down mo hanggang sa makita mo ang Kaspersky Endpoint Security for Windows. May dalawa kang pag pipilian, peru suggestion ko ay piliin mo ang Strong Encryption, at i-click ang download button.
Meron ka pang kailangan i-download, ito ang Kaspersky Removal Tool. Gamitin ito upang i-uninstall ng buo ang kahit anong kaspersky software na naka install sa computer mo.
Click here to DOWNLOAD Kaspersky Removal Tool
Sa link na yan i-dederetso ka sa website ng kaspersky, hanapin mo ang download button at i download mo ang file.
How To Renew License When 30 Days Trial Expires?
Halos 2 years ko na itong ginagawa sa computer ko at sobrang laking tipid siya dahils a teknik na to. Paano nga ba gawin ang pag renew ng expired na trial license?
STEP 1: Run Regedit and Delete Certificates
Pumunta sa search bar, at i-type ang “run”. Pagkatapos niyan, isunod mong i-type ang “regedit”. Pagkatapos, select Yes to confirm.

Sa registry editor, hanapin ang HKEY_LOCAL_MACHINE → SOFTWARE → Microsoft → System Certificates → SPC

Pag nakita nyo na ang SPC folder, i-delete mo ang files na yan. Ganun lang kadali.
Next step is very crucial din, take note na huwag mag uninstall ng kaspersky using Control Panel. This time, gagamit tayo ng removal tools.
STEP 2: Uninstall Kaspersky Using Removal Tool
Kanina ay dinownload natin ang removal tool. Ganitong file ang makikita mo once na na extract muna from zip file.

I double click mo ang kavremvr.exe upang mag run ito. I-accept mo lang ang agreement tapos ganito na makikita mo sa iyong screen.


Mag o-auto detect ito kung anong version ng kaspersky meron ang computer mo. Pagkatapos, kailangan mong i type ang Capcha code para ma confim na tao ka at hindi robot o malware program. Tapos, i-click na ang remove button. Minsan may katagalan ito kaya antayin mo lang na matapos ang proseso.
Pagtapos na mag run ang removal tool, i-reboot ang iyong computer.

Pag nag restart na ulit ang computer mo, i-double check mo sa Control Panel kung na remove na ba yung kaspersky. Pumunta lang sa search bar at i-type “Control Panel”.

Mula sa Control Panel → Programs. Piliin ang uninstall program.

STEP 3: Install Kaspersky Endpoint Security Antivirus
Ngayon ay ready na ulit ang computer mo para i-install ulit ang KES antivirus. Gamitin lang ang dating installer na dinownload mo at tiyak na gagana parin iyon. Kung nais mong mag install ng new version, wala naman yun problema.
DOWNLOAD KES Antivirus Installer
Sana ay nakatulong sayo ang blog na to. Kung nais mo akong suportahan, maari mo itong i click Buy Me A Coffee.
Kung sakaling hindi parin maliwanag sayo ang blog na to, pwede mong panoorin ang ating video tungkol dito.



