
This Man Knows How to Hack Google Maps
February 25, 2023
Jayson Canete
Pagdating sa pag ma-mapa ng lugar, Google Maps agad ang madali nating maasahan gamit ang smartphone. Dahil ito ay isang mahusay na tools sa pag-navigate at pag alam ng trapiko sa kalsada na lubhang kapaki-pakinabang, gayunpaman, hindi ibig sabihin na hindi ito maaaring madaya.
Life Hacks
This Man Knows How to Hack Google Maps

Pagdating sa pag ma-mapa ng lugar, Google Maps agad ang madali nating maasahan gamit ang smartphone. Dahil ito ay isang mahusay na tools sa pag-navigate at pag alam ng trapiko sa kalsada na lubhang kapaki-pakinabang, gayunpaman, hindi ibig sabihin na hindi ito maaaring madaya.

Panoorin ang video ni Simon Weckert sa baba ng blog na to.
Maaaring nagtatanong ka kung bakit nangyayari ito. Tulad ng iyong iniisip, ginagamit ng Google ang isang paraan kung saan kino-consolidate nito ang data ng traffic sa kalsada mula sa mga smartphone users na aktibong gumagamit ng google map. Ang mga smartphone na ginagamit ng mga tao sa kotse ay nagbibigay ng kinakailangang impormasyon sa Google, tulad ng bilis ng pagpapatakbo at kung ilang smartphone ang nasa partikular na kalsada. Sa kaso ni Weckert, 99 na kotse ang nagka gitgitan sa isang maliit na kalsada kaya naman agad na nagpula ang kalsada sa Google map.

Malamang sa malamang na ang mga taong gumagamit ng Google Maps sa oras na iyon ay nasabihan na may trapik sa kalsada at dapat na lamang iwasan ang daan na iyun. Kung sakali mang gagamitin pa rin nila ang kalsada, marahil nagulat sila sa halos walang sasakyan na nakikita.
Wala nang ibang detalye si Weckert maliban sa kanyang blog post. Dahil wala nang ibang impormasyon, maaaring peke rin ang buong pangyayari. Kung ito ay tunay, dapat siguro na tingnan ito ng Google dahil maaari itong ma-exploit ng iba upang dayain ang traffic sa Edsa.
Ikaw? Kaya mo bang mag ipon ng isang daan na smart phone at gawin ang ganitong experiment?
